SALAWIKAINAng paala-ala ay mabisang gamot sa taong nakakalimot.Ang taong nagigipit, kahit sa patalim ay kumakapit.Hangga't makitid ang kumot, magtiis mamaluktot.Magsisi ka man at huli wala nang mangyayari.Huli man daw at magaling, naihahabol din.Kung hindi ukol, hindi bubukol.Matalino man ang matsing, napaglalalangan din.Bawa’t palayok ay may kasukat na suklob.Batang puso madaling marahuyo.Tikatik man kung panay ang ulan, malalim mang ilog ay mapapaapaw.
Ang Lobo at ang UbasAng katagang "sour grape" o "maasim na ubas" ay hinango sa isa sa mga pabula ni Aesop ukol sa isang lobo at puno ng ubas. Heto ang kabuuan ng nasabing pabula sa pagsasalin sa tagalog ng Katig.Com:Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo (wolf). Nakakita siya ng isang puno ng ubas na hitik ng hinog na bunga. "Swerte ko naman. Hinog na at tila matatamis ang bunga ng ubas," ang sabi ng lobo sa sarili.Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas subalit hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at muli, at muli pa subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas.Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang lobo at malungkot na umalis palayo sa puno. "Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang bunga ng ubasna iyon," ang sabi niya sa sarili.
pabula ng kabayo at kalabaw-
Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang paglalakbay.Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang- hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit."Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamitkeysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?" pakiusap ng kalabaw."Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo," anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad."Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang katawan ko," pakiusap pa rin ng kalabaw."Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo.Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siyaay pumanaw.Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin."Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito kabigat ang pasan ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sa kanyang sarili.
pabula ng kabay at mangangalakal-
Isang mangangalakal ang maghahatid ng dalawang sakong asin sa palengke. Inilulan niya ang mga sako ng asin sa kanyang kabayo at nagtungo sila sa palengke.Nang tumatawid sila sa isang ilog na dinaanan ay hindi sinasadyang nadulas at natumba ang kabayo. Napunit ang mga sako at ang ilang bahagi ng asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw dahil sa pagkababad sa tubig. Hindi naman nasaktan ang kabayo at napansin niya na lubhang gumaan ang pasan niyang dalawang sako ng asin at siya ay natuwaNang sumunod na linggo ay magpupunta uli ang mangangalakal sapalengke at naglulan na nman ng dalawang sakong asin sa kanyangkabayo. nang mapalapit na sila sa ilog ay napagisip-isip ng kabayo:"Kung magpapadulas ako sa ilog ay tiyak na gagaan uli ang pasan ko,"ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili.Ganun na nga ang ginawa ng kabayo. Muling nabutas ang mga sakoat ibang asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw. Nguni't sa pagkakataong eto ay nakahalata ang mangangalakal na sadyangnagpadulas ang kabayo sa ilog.Pagdaan pa ng isang linggo ay muling magtutungo ang mangangalakal sa palengke subalit sa pagkakataong eto ay apat na baldeng may lamang alpombra ang kanyang inilulan sa kabayo - dalawang balde sa magkabilang tabi ng kabayo."Aba, ok to, mas magaan ang pasan ko ngayon. Ganun pa man aymagpapadulas pa rin ako sa ilog para mas gumaan pa ang pasan ko,"ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili.Pagdating sa ilog ay kusa na namang nagpadulas ang kabayo ngunit laking gulat niya nang biglang bumigat ang kanyang pasan nang siya ay malublob sa tubig. Ang apat na balde na may alpombra ay napuno ng tubig at di hamak nanaging mas mabigat pa keysa sa dalawang sakong asin.
palaka at kalabaw-
Isang araw ay humahangos na umuwi ang magkapatid na palaka."Itay, itay, nakakita po kami ni kuya ng higanteng bakulaw sa palayan. May matutulis na sungay at mahabang buntot. At ang itim ng kulay, nakakatakot! po!" sigaw ng batang palaka."Ha ha ha! Kalabaw ang nakita ninyo at hindi higanteng bakulaw," natatawang sagot ng amang palaka."Eh, bakit po ang laki-laki niya?" tanong ng batang palaka."Wala yun! Tingnan nyo ako, kaya ko rin palakihin ang katawan ko, " pagmamayabang ng amang palaka. Huminga siya ng malalim at pinalaki ang kanyang tiyan."Mas malaki pa po siya sa inyo," anang batang palaka."Ganun?" Suminghot pa ng malalim ang amang palaka at lalung pinalaki ang kanyang tiyan. "Ganito ba kalaki?" tanong niya."Mas malaki pa rin diyan!" sagot ng batang palaka.Ibinuhos ng amang palaka ang kanyang lakas at suminghot ng suminghot ng napakalalim hanggang sa naging napakalaki na ng kanyang tiyan. Maya-maya pa ay bigla silang nakaring ng malakasna "Pop!". Yun pala ay sumabog ang tiyan na siyang ikinamatay ngng amang palaka.
daga at leon-
Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay nagpapadausdos siya paibaba.Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga."Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga.Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa. "Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalainang pagtulog ko," sabi ng leon."Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, " sagot ng daga.Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno. Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan.Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na nakawala sa lambat."Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa kaibigang daga.
Friday, March 21, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment