Friday, March 21, 2008

ala lang..project sa filipino

Sa KabataanOnofre Pagsanghan
- I -
Isa sa mga salitang napag-aralan natin sa wikang Pilipino ay ang salitang “nabansot.” Kapag ang isang bagay raw ay dapat pang lumaki ngunit ito’y tumigil na sa paglaki, ang bagay na ito raw ay nabansot. Marami raw uri ng pagkabansot, ngunit ang pinakamalungkot na uri raw ay ang pagkabansot ng isipan, ng puso, at ng diwa.
Ang panahon ng kabataan ay panahon ng paglaki, ngunit ang ating paglaki ay kailangang paglaki at pag-unlad ng ating buong katauhan, hindi lamang ng ating sukat at timbang. Kung ga-poste man ang ating taas at ga-pison man ang ating bigat, ngunit kung ang pag-iisip naman nati’y ga-kulisap lamang, kay pangit na kabansutan. Kung tumangkad man tayong tangkad-kawayan, at bumilog man tayong bilog-tapayan, ngunit kung tayo nama’y tulad ni “Bondying” ay di mapagkatiwalaan-anong laking kakulangan. Kung magkakatawan tayong katawang “Tarzan” at mapatalas ang ating isipang sintalas ng kay Rizal, ngunit kung ang ating kalooban nama’y itim na duwende ng kasamaan-anong kapinsalaan para sa kinabukasan.
- II -
Kinabukasan. Kabataan, tayo raw ang pag-asa ng Inang Bayan. Tayo raw ang maghahatid sa kanya sa langit ng kasaganaan at karangalan, o hihila sa kanya sa putik ng kahirapan at kahihiyan. Ang panahon ng pagkilos ay ngayon, hindi bukas, hindi sa isang taon. Araw-araw ay tumutuwid tayong palangit o bumabaluktot tayong paputik. Tamang-tama ang sabi ng ating mga ninunong kung ano raw ang kamihasnan ay siyang pagkakatandaan. Huwag nating akalaing makapagpapabaya tayo ng ating pag-aaral ngayon at sa araw ng bukas ay bigla tayong magiging mga dalubhasang magpapaunlad sa bayan. Huwag nating akalaing makapagdaraya tayo ngayon sa ating mga pagsusulit, makakupit sa ating mga magulang at sa mahiwang araw ng bukas makakaya nating balikatin ang mabibigat na suliranin ng ating bansa. Huwag nating akalaing makapaglulublob tayo ngayon sa kalaswaan at kahalayan, at sa mahiwagang araw ng bukas bigla tayong magiging ulirang mga magulang.
Kabataan, ang tunay na pag-ibig sa bayan, ang tunay na nasyonalismo, ay wala sa tamis ng pangarap, wala rin sa pagpag ng dila. Ang tunay na pag-ibig ay nasa pawis ng gawa.

Posted by dayat-malat on 2008/3/21 23:56:09 (5 reads)
Biglang napayuko ang payat na sangaPara bang nagulat sa dumapong maya.Saksi ang sanga, ang mayaat ang nulas na hamog sa dulo ng dahonsa nabaling tuhod at tadyang; sa tatlong bala na inipit at pinisil sa gitna ng mga daliri;sa hiniwang dila at tainga; sa sinindihang gasolina sa katawan ng nasa hukay. Sa siyudad, humihiyaw at nagtatanong ang mga linya sa pahina:Sino ang dumukot? Sino ang may sala?Wala nang makikita.Natuyo na sa sikat ng araw ang hamog. Naitago na ng kumapal na alikabokang bakas ng naghalong dugo at gasolina.Wala nang maririnig.Kahit huni ng nahintakutang maya. Hangin na lang ang nagpapaypaysa tinabunang hukay.
Rating: 0.00 (0 votes) - Rate this Work - Comments?
Poems (Tula) : Dioptric
Posted by alambre on 2008/3/21 7:18:15 (17 reads)
On a table, an empty flasktrills, conceitedly ignoring..........airWith a sound of all flasknessjust to call itself a containerThis method of discoveringa geyser of soot from a plankHumbly breathes to a flaska room for itself withinA bubble glass: lung withoutbody always bursting a riskFor pollution or perhapsfor inhalation of inert gases,Cancelling skin, cuttingwool from sheeps of cloud,Not comprising the alchemicemptiness of breathable.............................airCorkless, the flask confinesa sky, focuses at nothing
Rating: 0.00 (0 votes) - Rate this Work - Comments?
Poems (Tula) : Techies
Posted by aequo animo on 2008/3/21 7:11:35 (17 reads)
I tell you, you are as good as hacked.There's a short-circuit here, right here.The current flow is on a backtrack--Makes you slow to react.You have quite a good transistor--And oh wow! Lots of them, too--And a super fast multi-processor!All in all, very good for store.But you are as good as hacked, Mech--Your pieces don't connect, Auto--I admire your fast thinking, Tech--The perfect machine, but what the heck--Broken relationships says you are vain.What you need is rewiring of the brain.
Rating: 0.00 (0 votes) - Rate this Work - Read More... 1 comment
Poems (Tula) : Kwentong Gago
Posted by SaLaMaNgKeRa on 2008/3/20 19:00:00 (36 reads)
Sambakol ang mukha ng berdugo.Tuloy-tuloy ang paghagupit.Walang tigil ang pag-agos,Naghalo na ang kahoy at lamanDugo, alikabok at pawis.O kay bigat ng pasan ng gago.Bakit ba niya tanganAng troso mo?

Sponsored by PANEL HOSTER :: Philippines #1 Affordable Web Hosting Provider
(1) 2 3 4 ... 485 »
Poems (Tula) : Missing

Rating: 0.00 (0 votes) - Rate this Work - Read More... 5 comments

Browse Works By Type
Essays (Sanaysay) Others Poems (Tula) Short Stories (Maikling Kwento) Song Lyrics
Sponsored by PANEL HOSTER :: Philippines #1 Affordable Web Hosting Provider
« 1 (2) 3 4 5 ... 485 »
Poems (Tula) : Ang Wakas Ng Isang Kwento
Posted by vener santos on 2008/3/20 9:09:06 (33 reads)
Agaw-pansin ang pagtalon ng lalakimula sa tuktok ng gusali.Hindi na mahalaga kung sinoang higit na nananabik:katawan----------o-------------semento.Hindi na rin mahalaga kung sinoang magbibigay o tatanggap.Sapagkat ang handog ay pag-aaringhindi maaaring ariin habambuhay.(nakatakda ang pag-alay)Sapagkat ang alok ay inilalakosa hindi nais tumanggap,ngunit naghahangad.Katulad ng oras na ikinulongo pinalaya sa loob ng orasan.(may sala ang kamay na pumihit)May hatak na bigat ang bawat pitik:ang tangkang maghimagsiksa nababagot na tagamasid.Kung sadyang ipipilitlaging asahang may mawawaglit.segundo-----------minuto--------------------orasKapana-panabik ang bawat sandali.Sapagkat ang batid ay bahagyangnaikukubli ng paghihintay.Tulad ng mga tagamasid na naghihintaysa kahihinatnan ng isang kwento.Tahimik na nag-aabang sa hulingkatagang bibitiwan ng orador:

Sagutin ang mga sumusunod na bugtong:1. Kung kelan pinatay, saka humaba ang buhay.2. Baboy ko sa pulo, balahibo'y pako3. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.4. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.5. Ako'y may kaibigan, kasama ko kahit saan.6. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.7. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.8. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.9. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.10. Abot na ng kamay, ipinaggawa pa sa tulay.

ampalayaaninobalimbingballpen/plumabanigbarilbasket/bayongbatingaw/kampanabatyabayabas

No comments: